1st Don Filipe Juico Memorial Cycling race

NAKATAKDANG idaos ang dalawang-araw na sikaran sa bisikleta na handog ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) sa Mayo 1, ang 1st Don Filipe Juico Memorial Cycling race.

Ayon kay Dr. Philip Juico, tampok dito ang two-events na may tatlong kategorya tulad ng Elite, Junior at Women para sa mountain bike events na nakatakdang umarangkada sa unang araw ng Mayo sa bagong bukas na Carmona-MTB trail na isinasaayos ng Knight Bikers ng Carmona, Cavite.

Ang lahat ng MTB riders ay inaanyayahan na lumahok sa inaugural race para masubukan ang bagong bukas na MTB trail at bilang pagsubok sa lakas at kakayahan ng mga siklista bukod pa sa makukuha nila ang ibibigay na biyaya ng natural na eco-tourism sa lugar.

Idinagdag pa ni Juico na naihanda na rin nila ang cross-country at ang isang-kilometrong downhill event.

Inaasahang dadalo sa okasyon sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Cong. Roy Loyola, Mayor Dahlia Loyola at si Dr. Philip Juico.

Nagsimula na ang patalaan ng mga interesadong lalahok sa Knight  Bikers headquarters sa 545 JM Loyola St., Carmona, Cavite. Mangyaring makipagtalastasan kina Lady Lyn Malana sa 0905-329-4385 at Lady Malou Regino sa 0926-633-3471. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply