2-anyos anak utas sa bala ng amang senglot

IMBES sa kaaway, sa sariling anak tumama ang bala ng ipinutok na baril ng isang tatay na lango sa alak sa Capiz.

Tumama sa ulo ang bala ng kalibre .38 na agad na ikinamatay ni Laika Albolaryo, ng Barangay Maindang, Cuartero, Capiz.

Sanhi ng krimen, nakapiit na ngayon sa Cuartero PNP detention cell ang suspek na si Ernesto Albolaryo, 41.

Ayon kay P/Insp. Leomindo Tayupon, hepe ng Cuartero police station, naganap ang insidente dakong 9:30 gabi kahapon sa loob mismo ng bahay ng mag-ama.

Bago ito, sinabi ni Tayupon na nakikipag-inuman ang suspek sa ilang kamag-anak at nang malasing ay may nakaaway itong kapitbahay na humantong sa pagpapaputok ng kanyang walang lisensiyang baril.

Bagama’t hindi tinamaan ang target, nadale naman ng suspek ang ulo ng kanyang natutulog na anak.

Hindi naman narekober ng pulisya ang ginamit na baril ng suspek sa pamamaril. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply