2 holdaper huli sa akto, timbog

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng MPD- Mobile Unit na nanghoholdap sa isang ginang sa Pandacan, Maynila, iniulat ngayong  Abril 1.

Kasalukuyang nang nakakulong na sa MPD-Headquarters ang mga suspek na sina ventura Bolivar Jr., 32, may-asawa, walang trabaho, ng 2088 Hilum St., Pandacan, Maynila; at Jimmy Rimaflor, 26, binata ng nasabing lugar.

Naganap ang panghoholdap dakong 10:45 ng umaga noong Huwebes, Marso 31 sa isang ginang na si Judith Disabelle, 32 at residenete ng Plaza Dilao, Pandacan, Maynila.

Galing sa crame  ang mga arresting officer na sina P/ CI Edgar Reyes, SPO1 Jamias, PO3 Dineros  at  PO2 Robles  ng MPD-Mobile Unit  nang  mapadaan sa lugar at saktong hinoholdap ang biktima.

Ayon kay P/CI Reyes, palabas ng bahay ang biktima ng bigla itong sunggaban ng dalawang suspek saka nagtatatakbo.

Tiyempo namang napadaan ang mga umarestong tauhan ng mobile unit kaya agad silang bumaba sa sasakyan at hinabol ang mga suspek.

Nang masukol ang dalawa ay nakuha sa mga ito ang dalawanga patalim na ginamit sa panghoholdap.

Narekober din ang pera at alahas ng biktima na umaabot sa halagang P15,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply