2 holdaper ng jeep patay sa engkwentro

TUMIMBUWANG ang dalawang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 4 nang mangholdap ang mga ito ng pampasaheriong jeepney, Huwebes ng gabi, Abril 7 sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, ang napatay na suspek na si Eduardo Delmo, nasa hustong gulang, ng 21st St., Port Area, Maynila at isang inilarawan lamang na nasa balingkinitang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng gray t-shirt, maong short, puting tsinelas, may tattoo na “Rosanna/Pidong” sa kanyang tiyan.

Nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan matapos na magkaroon ng kaguluhan at palitan ng putok sa pagitan ng mga tauhan ng MPD-Staion 4 at nang mga holdper.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:45, Huwebes ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang mga pasahero ng PUJ sa Laon Laan at Asturias Sts., Sampaloc.

Ayon sa pasahero ng jeepney na si Ruel Esagre, 23, ng Block 3, Lot 27, Paraiso Homes, Llano, Caloocan City, at tatlo pang hindi nagpabanggit ng kanilang pangalan,  binabagtas nila  anga kabahaan ng Laon Laan nang magdeklara ng holdap ang mga suspek, kung saan nilimas lahat ang kanilang mahahalagang gamit, tulad ng cellphone,pera at alahas.

Dahil dito nagkaroon umano ng komosyon sa loob ng pampasaherong jeep at nang nagsibaba na ang mga suspek ay tiempo namang nakaagaw-pansin ang pangyayari sa mga nagpapatrolyang tauhan ng Station 4 dahilan upang rumisponde ang mga ito.

Sa pangunguna ni PCI Ryan Ador ng PS 4,ay agad na kumilos ang mga ito kung saan nabaril ang dalawang holdaper.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan at ulo si Esagre habang sa sintido naman ang tama ng isa pang hindi nakilalang suspek.

Nakuha naman sa crime scene ang .38 at .45 kalibre na baril na ginamit ng mga suspek sa panghoholdap.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply