2 holdaper patay sa engkuwentro

PATAY ang dalawang holdaper na lalaki makaraang makipagpalitan ng putok sa operatiba ng District Police Intelligence Operative Unit (DPIOU) sa Quezon City kagabi.

Inilarawan ni P/Supt Ronnie Montejo hepe ng Batasan Police station 6 ang dalawang napatay na may taas na 5’5, naka-red t-shirt at maong pants habang ang ikalawang suspek ay may taas na 5’5 -5’7, naka-white t-shirt.

Sa ulat ni PO3 Alden Lasam, naganap ang insidente sa Commonwealth Avenue North Junsuarigue, Old Balara, Quezon City dakong 7:30 ng gabi.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni P/Supt Montejo ay namataan nila sa lugar ang palitan ng putok sa pagitan ng mga DPIOU-agent at mga suspek.

Nauna rito, dalawang lalaki na may kahina-hinalang kilos ang namataan ng grupo ng DPIOU habang nagsasagawa ng imbestigasyon lulan ng police mobile patrol car sa pinangyarihang lugar.

Ayon kay Teodorico Lado, DPIOU-agent nagsasagawa sila ng pagmamanman sa lugar hinggil na rin sa talamak na holdapan sa mga pampasaherong dyip nang makaengkwentro ang mga suspek.

Sugatan naman ang isang pasahero na si Alan Michael Reyes, at ang driver ng Toyota Avanza (UVD-653) na si Dominador Tara.

Narekober ng pulisya ang kalibre .38 malapit sa kanang kamay nang tumimbuwang na suspek.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakilanlan ng dalawang holdaper. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply