2 journalists patay sa Libya

NAMATAY ang isang beterano at award-winning photo journalist at isa pa sa kaguluhan sa Libya.

Nabatid na nasawi si Tim Hetherington kasama ang isa pa habang sugatan naman ang dalawa pang mamamahayag na nagko-cover ng kaguluhan sa Libya nang magpaulan ng mortar shell ang grupo ni Moammar Gadhafi sa Misrata.

Si Hetherington ay nagtatrabaho sa Panos Pictures at contributing photographer sa Vanity Fair magazine.

Nakasama sa nominasyon sa Oscar Awards si Hetherington dahil sa short film nito na “Restrepo”, patungkol sa Afghan war.

Isa siya sa mga mamamahayag na sumabak sa battleground para i-cover ang giyera sa Afghanistan.

Nasawi rin ang psa pang journalist na si Chris Hondros habang kritikal naman ang dalawang photographers. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply