2 kaso ng child abuse ikinasa vs Revillame

NAHAHARAP sa dalawa pang magkaibang reklamong child abuse ang television host na si Willie Revilame na isinampa ng isang opisyal ng gobyerno at ng running priest na si Fr. Robert Reyes sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO).

Pero hindi isinama ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan, ang may-ari ng Associated Broadcasting Co. at iba pang TV5 executives sa kasong isinampa nina Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman at Assistant Secretary for Luzon Parisya Taradji, officer in charge-executive director ng Council for the Welfare of Children, at tropa ni Reyes.

Ayon kay Soliman at sa kasamahan ni Reyes na sina Froilan Grates, Frances Irene Bretana, Noemi Lardizabal at Cayetano Sebastian, si Revillame lamang ang kanilang kinasuhan dahil, ayon sa kanilang abugado, ang krimen ay single-act abuse lamang.

Upang mas maging matibay ang kanilang reklamo, nakipagkita si Soliman sa mga non-government organization at mga indibiduwal na nauna nang nagsampa ng magkahiwalay na reklamo laban sa TV host.

Iginiit ni Soliman, ang kaso ay walang bahid ng pulitika at hindi nila tinitira si Revillame dahil ang Department of Social Work and Development (DSWD) ang lead agency na pumoprotekta sa karapatan ng mga kabataan.

Wala rin umano silang “hidden agenda” tulad ng akusasyon ng ibang grupo.

Aniya, hindi lamang sila nagbibigay ng psycho-social intervention, kundi pati legal assistance.

Nagsampa si Reyes kasama ang ilang representante ng DSWD ng magkahiwalay na reklamo laban sa 47-anyos na si Revillame matapos ang kontrobersyal na pagpapasayaw sa anim-na-anyos na si Jan-jan Suan habang ito ay umiiyak sa isang episode ng Wiling-Willie ni Willie Revillame noong Marso 12 kapalit ng premyong P10,000.

“Every child is precious. We want them to be protected,” dagdag pa ni Soliman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply