2 isinakong salvage victim itinapon sa Manila

NAKALAGAY sa sako at nakabalot ng packing tape ang mukha ng dalawang ‘di nakilalang lalaki na hinihinalang mga biktima ng salvage nang matagpuan sa harapan ng isang pampublikong paaralan sa Sampaloc, Maynila Martes ng umaga, Abril 19.

Inilarawan ang isang biktima na nasa edad na 40 hanggang 45, 5’5” ang taas, kulot ang buhok, may balbas, nakasuot ng puting polo shirt at short pants na may black garrison belt, naka-puting tsinelas, at may marka sa leeg na indikasyon ng pagsakal.

Ang isa naman ay nasa edad na 42 hanggang 47, 5’3”, nakasuot ng asul na polo shirt na may pulang stripe at camouflage short pants, may brown na sinturon, at dark na tsinelas. Ito ay mayroon ding marka sa leeg ng pananakal at may isang tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang kili-kili.

Sa report ni PO1 Michael Pavon at PO3 Efren Flores, dakong alas-5:30 Martes ng umaga sa harapan ng Esteban Abada High School sa corner ng Blumentritt at Maria Clara Sts., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigayson, minamaneho umano ni Kagawad Wilfredo de Jesus, ng Barangay 496, Zone 49, ang kanyang scooter nang madaanan nito sa lugar ang dalawang sako ng bigas na tila tao ang laman.

Ikinagulat ni de Jesus nang lapitan niya ito at bumulaga sa kanyang ang dalawang bangkay na nakabalot ng gray packing tape ang kanilang mga ulo.

Napansin din na marka sa leeg ng dalawang biktima ay indikasyon na sinakal ang mga ito, habang ang isa ay nagtamo pa ng saksak bago isinilid sa sako.

Kasalukuyang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya habang dinala naman sa St.Yvan ang bangkay ng mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply