2 kelot gulanit sa sumabog na granada

GULA-GULANIT ang katawan ng dalawang katao, habang apat pa ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang granadang kinalikot ng mga namatay na biktima sa North Cotabato, ayon kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP.

Dead on the spot sanhi ng tinamong shrapnels sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Misuari Guiamalon at Basser Taba.

Habang isinugod naman sa ospital sanhi ng tinamong sugat mula sa tama ng shrapnels  sa iba’t ibang parte ng katawan ang sugatang biktima na sina Johaybin Badal, Benzar Guiamalon, Jemar Suelo at Modsing Guiamalon.

Sa ulat na nakarating sa camp Crame, naganap ang insidente dakong 5:05 kamakalawa ng hapon sa Mantawil St., Barangay Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Bago ito, sinabi ni Semillano na pinaglalaruan ng dalawang namatay na biktima ang naturang granada nang aksidenteng matanggal nila ang pin nito.

Hindi pa muna napansin ng dalawa na natanggal nila ang pin ng garada pero nang mapansin naman ay nataranta at bago pa ito naiitsa papalayo sa kanila ay sumambulat na ito.

Tinamaan naman ang mga sugatang biktima dahil nakaistambay sila malapit sa naghaharutang namatay na biktima.

Iniutos na ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talinio Mendoza sa pulisya ang masusing imbestigasyon hinggil sa kung saan nakuha ng dalawa ang naturang granada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply