2 kongresista naalarma sa child labor sa Pinas

NAGHAIN ng resolusyong ang dalawang miyembro ng Kamara de Representantes upang tugunan ang umano’y nakaaalarmang paglobo ng dami ng child laborers sa bansa.

Inihain nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez ang isang resolusyon na humihikayat sa Kamara na imbestigahan ang ulat ng United States Department of Labor ukol sa child labor sa Pilipinas.

Ang nasabing report ay isinumite ng US Labor Department kay US Vice President Joseph Biden at US Congress.

Batay sa House Resolution 1058, hinimok ng magkapatid na Rodriguez ang House committee on labor and employment na masusing pag-aralan ang ulat at ipatawag ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang magbigay-linaw sa naturang ulat.

“Nakakabahala ang ulat na ito dahil isinusulong nito ang kahirapan at pinagkakaitan ang mga kabataan ng pagkakataon na makapag-aral at matutunan ang mga kaalaman upang mamuhay na produktibo sa kanilang pagtanda.”

Ipatatawag ng Kamara ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (Dole), Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA) upang magbigay-linaw sa Kongreso ukol sa nilalaman ng ulat na “Findings on the Worst Forms of Child Labor.”

Ang ulat ay inilabas matapos ang pagsasaliksik sa may 125 na bansa kasama ang Indonesia, Thailand at Cambodia.

“Sa kabuuang 753 pahina ng nasabing ulat, pitong pahina ang naglalaman ng kalagayan ng problema sa child labor sa Pilipinas,” ayon kay Rodriguez.

Aniya, ito ang “nagpapatunay na mabigat ang suliranin para sa bansa.”  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply