2 lindol yumanig sa bansa

NAITALA ng Philippine of Volcanology and Seismology ang pagyanig sa Luzon at Visayas, madaling araw ng Sabado, Abril 30.

Ayon sa Phivolcs, dakong 2:27 ng madaling araw naramdaman ang unang pagyanig sa layong 33 kilometro sa silangan ng Bago City, Negros Occidental na nasa magnitude 3.2.

Habang dakong 4:02 ng umaga nang maramdaman ang pangalawang pagyanig sa layong 41 kilometro ng hilagang kanluran ng Vigan, Ilocos Sur na may lakas na magnitude 3.4.

Nabatid na tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Una rito, dakong 10:26 kagabi, niyanig din ng magnitude 5.1 na lindol ang hilagang silangan ng Basco, Batanes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply