2 Maguindanao massacre suspect babasahan ng sakdal bukas

ITINAKDA bukas, April 7, ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang unang pagdinig para sa dalawang miyembro ng Ampatuan civilian volunteer organization na sina dismissed SPO2 Badawi Bakal at Nasser Esmael na mga suspek sa karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, kasama sa arraignment para sa Maguindanao massacre sina dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan.

Sinabi ni Baraan III na ang ibang akusadao ay hindi na ia-arraign at nananatiling nasa piitan.

Nilinaw ni Baraan na wala namang hadlang kung bakit hindi pa naa-arraign ang Ampatuan.

Sa kasalukuyan, mayroong limang miyembro ng angkan ng Ampatuan ang nasa detention cell pero hindi pa ina-arraign kaugnay sa kasong multiple murder charges.

Sa 100 akusado sa nasabing kaso, 51 pa lamang ang dinidinig sa regional trial court ng Quezon City, kabilang dito ang principal accused na si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr.

“Our position is that they should be arraigned now,” pahayag ni Baraan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply