2 malakas na pagyanig sa Taal naitala

SA NAKALIPAS na 24 oras, naitala ang 12 pagyanig sa Bulkang Taal, kung saan dalawa dito ay may kalakasan, ayon sa pinakahuling report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang nasabing pagyanig sa Barangay Calauit at timog silangang bahagi ng bulkan.

Tumaas din ang temperatura ng tubig sa main crater ng Taal na umabot sa 30.5 degrees Celsius.

Hindi pa rin inaalis sa alert level 2 ang bulkan.

Payo naman ng Phivolcs sa mga mamamayan sa paligid ng Taal na huwag magtungo malapit sa main crater, Daang Kastila at Mt. Tabaro, ang lugar na sinalanta sa unang mga pagsabog noong 1965 at 1977, upang maiwasan ang anumang pinsalang maaaring idulot ng nag-aalburutong bulkan. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply