2 manggagantso, patay sa bala at patalim

PATAY ang dalawang miyembro ng Commando Gang, na talamak sa pandurokot, matapos silang pagbabarlin at saksakin ng dalawang ‘di-nakilalang suspek Biyernes ng umaga sa Tondo, Maynila, Abril 15.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang mga biktima na sina Rodrigo “Barok” Narra, 40 hanggang 45 anyos, walang asawa, ng Area- B Gate 46; Mary Jane “Jing” de Vera, 32, ng 484 Area-C, Gate 52, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Si Narra ay agad na binawian ng buhay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, habang si de Vera ay naitakbo pa sa Gat. Andres Bonifacio Hospital, subalit namatay din ito.

Sa report ni SPO3 Edmundo Cabal, dakong alas-5:30, Biyernes ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Juan Luna St. at CM Recto Ave., sa Tondo.

Naglalakad umano ang mga biktima sa lugar nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek na nakatakip ng panyo sa mukha at armado ng patalim at ‘di-mabatid na kalibre ng baril.

Agad na inundayan ng saksak at binaril ang mga biktima sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa imbestigasyon ni Cabal, kilala umano ang mga biktimang miyembro ng Commando Gang na notorious na manggagantso sa Maynila.

Posible umanong kalaban sa hanapbuhay o maari rin umanong nabiktima nila ang mga suspek kung kaya’t nang magkaroon ng pagkakataon ay gumanti ang mga ito.

Wala namang makapagbigay ng anumang impormasyon sa nangyaring insidente kung saan agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pananksak at pamamaril.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ang mga awtoridad upang madakip ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply