2 na ang patay sa magnitude 7.4 na lindol sa Japan

DALAWA na ang namamatay matapos tamaan ng magnitude 7.4 na lindol ang Japan, Huwebes ng gabi, Abril 7.

Namatay ang isang lolo dahil sa pagkagulat nito sa malakas na pagyanig habang ang isang lola naman ay nalagutan ng hininga nang di gumana ang oxygen tank na ginagamit nito nang mawalan ng kuryente dahil na rin sa nasabing lindol.

Ang epicenter ng naturang lindol ay 66 kilometro (41 milya) sa silangan ng Sendai; 118 kilometro (73 milya) silangan hilagang silangan ng Fukushima at 147 kilometro (91 milya) sa hilaga hilagang silangan ng Iwaki, Hunshu.

Sa kasalukuyan, nasa 3.6 milyong  kabahayan pa ang walang suplay ng kuryente dahil sa lakas na lindol. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply