2 opisyal ng BOC pinakakasuhan ng DOJ

PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nakipagsabwatan sa dalawa pang kakasuhang indibidwal dahil sa pagpupuslit ng mga ito ng mamahaling sasakyan mula sa ibayong dagat.

Nakitaan ng DOJ panel ng probable cause ang dalawang tauhan ng Customs at ang mismong mga itinuturong smugglers.

Sa resolusyon na inilabas ni Prosecutor Michael Vito Cruz, kasama sa sasampahan ng reklamo ang mga corporate officials ng Viking Haulers na sina Reynaldo Pazcoguin at Rodelito Biag.

Maliban sa mga ito, mahaharap din sa asunto ang mga opsiyal ng BOC na sina Examiners Evelyn Rivera at Aristede Ambrosio.

Sa imbestigasyon ng prosecution panel, napag-alaman na P17 million lamang ang ibinayad ng mga respondent na dapat ay P85 million ang kanilang duties and taxes. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply