2 pa bangkay ng minero nahugot sa gumuhong minahan

SA pagpapatuloy ng rescue and search operations, dalawa pang bangkay ng minero ang nahugot mula sa mining area na gumuho sa landslide  sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley.

Sa panayam kay Pantukan Mayor Celso Sarenas, sinabi nito na dalawa pang minero ang naiahon nila mula sa putikan at kinumpirmang wala nang buhay na kinilalang sina Marjun Guilabtan at Relieto Tabay.

Ayon kay Sarenas, sa kasalukuyna ay 19 pa ang nawawala sa mga biktimang minero.

Sa hiwalay namang impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), sinasabing ang mga biktima ay mga residente ng Panabo City. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply