2 paslit tepok sa butete, 11 bata pa kritikal

PATAY ang dalawang bata, habang patuloy pang ginagamot ang 11 iba pa na nasa kritikal na kondisyon matapos malason sa kinaing butete sa Negros Occidental, iniulat ng pulisya.

Nabatid na naganap ang food poisoning sa Barangay Tagda, Zone 5, Bayan ng Hinigaran, Negros Occidental kahapon nang gawing pulutan ng ilang kalalakihan ang nahuling isdang butete.

Nang pakainin ang mga bata ay nalason ang mga ito,  agad na ikinamatay ng magkapatid na sina Luisa Sinatus, 7 at Jemmar Sinatus, 3-anyos.

Samantala, isinugod naman sa Western Visayas Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod ang iba pang biktima, kasama na ang ama ng dalawang bata na kinilalang si Luis Sinatus. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply