2 patay, 1 kritikal sa pamamaril

UTAS agad ang dalawang katao habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan, matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin Linggo ng gabi, Abril 3 sa Meramonte Height Brgy. 180 Caloocan City,

Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng baril ang mga biktimang sina Romnick Romero 21, binata, walang hanap buhay; at Normalito Avaita 22, binata, kapwa residente ng Miramonte Height Brgy. 180, ng nasabing lungsod.

Sugatan naman ang kasalukuyang nakaratay at ginagamot sa nasabing pagamutan sanhi ng mga tinamo nitong tama ng baril si Roger Gabay, 16, estudyante at naninirahan din sa nasabing lugar.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin na tinatayang nasa edad 47-50, may taas na 5’7, kayumanggi, nakasuot ng kulay black na t-shirt at baseball cup., habang ang isa pa nasa edad na 30- 40 anyos,  may taas na 5’6 at nakasuot ng parehong damit ng kanyang kasama.

Sa ulat ni Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan police kay Chief Supt. Edgardo Ladao director ng Northern Police District (NPD) naganap ang insidente dakong ala-siyete ng gabi noong Linggo sa nabanggit na lugar.

Base sa salaysay ng saksing si Jefrey Zanatar, ang mga biktima at dalawang salarin ay nagkwentuhansa nabanggit na lugar hanggang  nauwi sa mainitang pagtatalo. Ilang saglit lang ang lumipas ay umalingawngaw ang mga putok ng baril na naging sanhi ng pagkamatay nina Romero at Avaita habang nasugatan naman si Gabay.

Agad na itinakbo ang mga biktima sa pagamutan ng ilang nagmalasakit na residente subalit sa daan pa lang ay nalagutan na ang dalawa ng hininga.

Inilipat naman si Gabay sa V. Luna Hospital kung saan siya patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ang mga kapsula ng  9mm lakiber  pistol  na ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad para sa agad na ikadarakip ng mga salarin at nang malaman ang motibo sa pamamaril. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply