2 patay, 2 sugatan sa landslide sa Compostela Province

DALAWA ang nasawi, dalawa ang nasugatan dahil sa naganap na landslide sa Compostela Valley bunsod ng patuloy na pag-ulan dito.

Kinilala ni S/Supt. Aaron Aquino, provincial director ng Compostela Valley Province Office ang mga nasawi na sina Pablo Tibay, 59, at Cristine Berongis, 4, pawang mga residenete ng Sitio Matagdungan, Barangay Bucal, Nabunturan ng nasabing probinsya.

Dinala naman sa ospital ang mga nasugatan na sina Rico at Maricel Berongis.

Nawawala naman ang magkakapatid na sina Mae Berongis, 7; Rachel Berongis, 6; at Angel Berongis, siyam na buwan gulang.

Sinabi ni Aquino, ang dahilan ng mga pagguho ng mga lupa dito Huwebes ng gabi ay dahil sa malakas na ulan

Nabatid na bumigay ang tulay sa lungsod ng Maco patungong Barangay Masara hanbang ang tulay ng Barangay Tandic ay tinamaan naman ng buhawi.

Samantala, patuloy ang awotidad sa kanilang rescue operation para sa mga biktimang posibleng natabunan ng mga gumuhong lupa. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply