2 patay, 3 sugatan sa plane crash sa Baguio, kilala na

KINILALA na ng mga awtoridad and dalawang namatay sa naganap na pagsabog ng isa private plane sa Camp John Hay, Baguio City.
Batay sa ulat, dalawang pasahero ang kumpirmadong patay samatalang apat ang nasa kritikal na kondisyon nang mawalan ng control ang eroplanong sinasakyan ng mga biktima dakong-2:48 Linggo ng hapon, Abril 10.

Nabatid na ang six-seater Piper Azted (PRC 5140) ay tinatahak ang parke nang sumabit sa isang mataas na pine tree na nakatayo sa naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat na namatay sa insidente ang mga pasaherong sina Jose George Haranas at Grace Alvarez.

Wala na umanong buhay si Haranas nang makuha ng mga rescue team na rumisponde sa nasusunog na eroplano, samantala si Alvarez naman ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) dahil sa matinding lapnos na sinapit sa buong katawan.

Ang ibang biktima naman ay kinilalang sina Vanessa Cabiso, 26; Ereneo Yabot, 51; at ang piloto na si Col. Reynaldo Garcia, 50.

Batay sa ulat ni Dr. Manuel Quirino ng BGHMC, si Alvarez ay binawian ng buhay dakong-6:30 ng hapon, samantala ang mga labi nina Haranas ay nakalagak ngayon sa  Baguio Memorial Chapel.

Ang light airplane ay patungo umano sa Plaridel, Bulacan, pero ilang minuto makaraang mag-takeoff sa pagsapit sa Camp John Hay ay sumabit ito sa pine tree. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply