2 patay, 3 sugatan sa sumabog na private plane sa Baguio

MALUBHANG sugatan ang tatlong pasahero, samantalang dalawa naman ang iniulat na namatay makaraang sumabog ang isang private plane sa Baguio kahapon, Abril 10.

Ayon sa report ang private plane ay nag-crash sa magubat na lugar ng Baguio dakong alas-tres ng hapon.

Nabatid na ang mga nasugatan ay dinala sa Baguio General Hospital para malapatan ng kaukulang lunas habang ang mga rescuers ay ginagalugad ang ibang pasahero na posibleng na-trap sa nasusunog na eroplano.

Ang pagsabog ay nakita ng mga residente nang bigla itong sumabit sa malalaking punong kahoy sa naturang kagubatan.

Inaalam pa ng awtoridad ang mga pangalan ng mga nasugatang pasahero pati na ang pagkakakilanlan sa dalawang namatay sa insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply