2 Pinoy na na-trap sa Libya ligtas

NASA ligtas na kalagayan ang dalawang Pinoy na napaulat na na-trap sa gulo sa Libya makaraang makapagpadala ng email sa kanilang kasamahan..

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakapag-email na sa kanilang mga kasamahan sina Bernadette Pavurada at Lilian Rosales at nakasaad doon na maayos naman ang kanilang kondisyon at nasa ligtas na lugar sa Benghazi.

Kaugnay nito, dumating kagabi sa bansa ang anim na mga Pinoy galing Libya na kinilala na sina Evangeline Garcia, Evjoalyn Calam, Catherine Galue, Valerie Joy Ventura at Celeste Cambangay, pawang mga nurse, at isang engineer na si Vincent Sanchez.

Nabatid na naging maayos ang pag-rescue ng binuong reaction team ng DFA sa anim na mga Filipino na umano’y 23 araw na naipit dahil sa kaguluhan doon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply