2 pulitiko sinuhulan ang NBI sa Ortega slay

SINUHULAN ng dalawang kilalang pulitiko sa lalawigan ng Palawan ang National Bureau of Investigation (NBI) upang mabago ang ebidensiya sa imbestigasyon ng pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating Palawan governor Joel Reyes, base sa salaysay  ng testigong si Percival  Lecias sa sinumpaang kontra-salaysay na inihain kay Senior State Prosecutor  Edwin Dayog noong Marso 28.

Sa naturang salaysay, itinanggi ni Lecias ang unang sinumpaang affidavit noong Pebrero 28. Naghain din si Lecias ng reklamo sa Commission on Human Rights ukol sa aniya ay pananakot at iba pang paraan ng torture na ginawa sa kanya ng NBI-Palawan.

Sinabi ni Lecias sa kanyang ikalawang affidavit na noong hapon ng Pebrero 28 ay dinalaw siya ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at dating gubernatorial candidate sa Palawan na si Pepito Alvarez sa silid ng NBI anti-terrorism division.

Dalawa umanong silver-colored attaché case ang ipinasok sa nasabing silid ng isang nagngangalang Clinton na kasama nina Hagedorn at Alvarez habang naroroon si NBI head agent Rosauro Bautista.

Sumunod naman ang pagdala sa kanya ng mga ahente ng NBI sa Department of Justice (DOJ) upang panumpaan ang kanyang unang salaysay.

Nang bumalik umano ito sa Anti-Terrorism Office ay napansin na ipinamamahagi na ng mga tauhan ni Bautista ang perang galing sa dalawang attaché case.

Ayon pa kay Lecias, nakita rin ito ni Bautista kaya nagalit ito at tinadyakan ang dingding at nagtanong kong bakit pinamamahagi ang nasabing pera ng wala siyang pahintulot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply