2 rapist kalaboso sa Taguig

HIMAS-REHAS ngayon ang dalawang lalaki matapos manghalay ng isang menor de edad noong Lunes ng gabi sa Barangay Napindan Taguig City.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang manyakis na nahuli kahapon, Abril 20, na sina Bonieven R. Castro alyas “Bobbie,” 22, may-asawa at nakatira sa Cattleya Extension, Barangay Napindan, Taguig City at Lawence R. San Mateo, 20, obrero at nakatira rin sa nasabing na lugar.

Batay sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Aubrey, pumasok sa kanilang bahay ang mga suspek bandang 10:00 ng gabi upang maiinom ng tubig. Pagkatapos uminom ng dalawa ay sinabihan niya isara ang pintuan pagka-alis pero sa halip na umalis ay pinagtulungan siyang abusuhin ng mga ito.

Sa isinagawang pagsusuri ng PNP Cime Laboratory sa Camp Crame lumabas na positibong dumanas ng dahas ang biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong rape sina Castro at San Mateo. PP Corpuz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply