2 salvage victim buhay pa nang itapon sa Cebu

BUHAY pa nang itapon ng hinihinalang summary executioners ang dalawang lalaki na nakasilid sa sako at pinaniniwalaang biktima ng salvage  sa Cebu, iniulat ng pulisya ngayong Biyernes Santo.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nakapaloob sa sako at may taga sa katawan subalit humihinga pa nang unang makita ng isang naglalakad na residente sa lugar sa gilid ng kalsada sa Barangay  Taptap, Cebu City.

Inaalam na ng Cebu City PNP ang pagkakilanlan ng dalawang biktima na parehong nakitang nakasilid sa sako.

Isa sa biktima ay may taga sa likuran at ulo habang may packaging tape ang leeg, samantala ang isa naman ay may taga sa mukha at may packaging tape sa leeg at mga kamay.

Tangka pang isugod sa pagamutan ang dalawa pero hindi na umabot nang buhay. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply