2 sundalo dinukot ng mga rebelde sa Cotobato

DINUKOT ng mga hinihinalang rebeldeng komunista nitong Huwebes ng hapon ang dalawang sundalo sa bayan ng  President Roxas, lalawigan ng Cotobato.

Batay sa ulat ni Col. Prudencio Asto, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division, ang dalawang sundalo ay patungo sa isang barangay opisyal sa Sitio Dalinding, Barangay Datu Indang para umagapay sa “Bayanihan Program” ng barangay dakong alas-dos ng hapon sapilitan silang tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) at dinala sa isang liblib na lugar.

Pansamantalang hindi ibinigay ng regional military spokesman ang mga pangalan ng mga dinukot na sundalo na may ranggong  private first class at corporal.

Hindi pa rin alam ng kanilang pamilya ang naganap na insidente.

Ayon kay Asto, ang mga sundalo ay pawang mga kaanib sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa kasalukuyan, ginagalugad ng tropa ng militar ang lugar upang hanapin ang dalawang dinukot na sundalo. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply