2 tambay arestado sa shabu

SWAK sa bilangguan ang isang lalaki at isang babae nang makumpiskahan ng shabu makaraang ibagansiya sa Sta Cruz, Maynila Martes ng gabi, Abril 5.

Nakakulong na sa Manila Police District MPD)-Station 3 (Sta Cruz) ang mga suspek na sina Richard Alambra, 26, ng 650 C Aranga St., Sampaloc, Manila at si Irene de Los Reyes, 32, kapwa tambay ng 1149 Lualhati St., Tondo.

Sa report ni Supt. James Afalla, Station Commander ng MPD-Station 3 (Sta Cruz) dakong 6:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Oroquieta malapit sa Bambang sts. sa Sta. Cruz.

Nagsagawa umano ang mga tauhan ni Afalla ng folow-up operation hinggil sa sunod-sunod na holdapang nagaganap sa paligid ng SM Lazaro nang namataan ang dalawa na naglalakad.

Naghinala  ang  mga pulis dahil sa kanilang kahina-hinalang kilos kaya sinita sila ng grupo, at nang kapkapan ay nakuha sa kanilang pag-iingat ang apat sachet ng shabu. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply