2 binatilyo sangkot sa pagdukot sa Agusan del Sur

KINUMPIRMA ng isang police official na dalawang teenager ang sangkot sa hostage taking sa Agusan del Sur kamakailan.

Nabatid na isang 18 at isang 17 taong gulang ang kasama sa apat na dumukot sa mga guro at mga estudyante sa Agusan para hingin ang pagpapalaya sa kanilang leader na si Ondo Perez.

Ayon kay S/Supt. Jerome Baxinella, hepe ng Agusan del Sur PNP, kasama rin umano ang dalawa sa ginawang pagdukot ni Ondo sa 79 na mga residente ng Barangay Maitum, Prosperidad sa nasabing lalawigan noong Disyembre 2009.

Sumuko umano ang dalawa noon kasama ang kanilang lider subalit ibinigay sila sa local DSWD dahil sa menor de edad pa ang mga ito.

“We could not file cases against them because they were minors at the time. That’s the law. What we did was to just refer them to the social welfare office for counseling and custody,” ayon kay Baxinella.

Nabatid na ang isang teenager dito ay kapatid ni Ondo Perez at siyang tumatayong lider ng grupo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply