2 toneladang sungay ng elepante nasabat

DALAWANG toneladang sungay ng elepante mula sa Africa ang nasabat ng awtoridad makaraang itago sa loob ng shipping container na nakatakdang dalhin sa Thailand.

Batay sa report ng Thai Custom official, sa kanilang ginawang pagsusuri, nalantad ang 247 tusk na itinuturing na pinakamalaking kontrabandong ivory na nasabat sa bansa.

Sa pagtataya, ang mga nakumpiskang sungay o tusk ay aabot sa halagang 100 milyon baht katumbas ng $3.3 million. Ilan sa nasabat na sungay ay may habang 6.5 feet (2 meters).

Ayon kay Customs chief Prasong Poontaneat, nabatid sa kanilang ginawang imbestigasyon na ang mga elephant tusk ay isinalansan sa 800 kahon at tinatakan ng frozen mackerel nang ma-detect sa x-ray scan sa Klongtoey Port, Bangkok nitong nakaraang Miyerkoles.

Ang pagpatay para makakuha ng sungay ng elepante sa central at eastern Africa ay mahigpit na ipinagbabawal. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply