2 tulak tiklo sa PDEA

SWAK ang dalawang nasa watchlist na hinihinalang drug personalities ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa anti-drug operation Biyernes, Abril 9.

Armado ng warrant of arrest ang mga operatiba ng PDEA RO3 sa pamumuno ni Dir.Ronald Allan Ricardo. sinorpresa nila dakong 10:00 ng umaga sa Purok San Francisco, Barangay Langla, Jaen, Nueva Ecija ang suspek na si Jupiter Eduardo alyas Boy Kape at nakumpiskahan siya ng limang  gramo ng shabu.

Kasunod nito, nalambat dakong 9:30 ng Biyernes ng gabi, Abril 8, sa buy- bust operation ng PDEA RO3 sa Barangay San Roque, Iriga City, Camarines Sur ang drug pusher na si Paterno Llorrente, dating tauhan ng BFP.

Si Llorrente ay nakumpiskahan ng apat na sachets ng shabu, P60.00 cash money, isang film canister, isang black pouch at tatlong identification cards. Siya ay nakapiit ngayon sa  Iriga City Police Station.

Si alyas Boy Kape naman ay naghihimas na ng selda sa himpilan ng PDEA RO3 sa Nueva Ecija PNP.

Sila ay kinasuhan ng paglabag sa  Section 11, Article II of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply