2 tutulog-tulog na air traffic controller sinibak

SINIBAK na sa puwesto bilang air traffic controller ang dalawang emplyedo ng Federal Aviation Administration (FAA) makaraang maaktuhang natutulog habang nasa tungkulin.

Ayon sa ulat ng ahensya, ang controller na nagbabantay sa Miami ay naaktuhang natutulog sa isinagawang sorpresang inspeksiyon dakong 5:00 ng umaga nitong Sabado.

Ipinaliwanag ng FAA na ang controller ang inatasang magbantay ng regional radar facility at responsableng humawak sa high altitude sa bahagi ng Florida, Atlantic Ocean at sa Caribbean Sea.

“A preliminary review of air traffic tapes indicated he did not miss any calls from aircraft and there was no impact on flight operations,” ayon sa ulat ng FAA.

Iniulat pa ng FAA na ang insidente ay naganap sa radar facility sa McGhee Tyson Airport.

Ang nasabing mga controller ay nadiskubreng nakatulog ng may limang oras. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply