20 bata tepok sa stray bullet sa Libya

Kinumpirma ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na 20 bata ang napatay sa Misrata, Libya kabilang na ang siyam na buwang sanggo bunsod ng stray bullet at shrapnel sa patuloy na kaguluhan sa naturang bansa.

Dahil dito, umapela na ang UNICEF na tapusin sa lalong madaling panahon ang kaguluhan.

“Until the fighting stops, we face the intolerable inevitability of children continuing to die and suffer in this war zone,” ani UNICEF regional director for Middle East and North Africa Shahida Azfar.

Nabatid na tinanggihan ng oposisyon sa Libya ang alok na ceasefire ng African Union na nasa bansa ngayon dahil wala sa kondisyon ang pag-alis sa puwesto ni Ghadafi.

Nabatid naman sa AU peace mission na tinanggap na ni Moammar Gadhafi ang nasabing kondisyon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply