20 pagyanig sa bulkang Taal naitala

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 20 pagyanig sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kasabay ng mga pagyanig ay patuloy namang pagtaas ng temperatura ng tubig sa main crater ng bulkan na pumalo sa 30.1°C mula sa 29.8°C.

Ayon pa sa Phivolcs, nakitaan nila ng pamamaga ang paligid ng bulkan.

Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkan kung saan pinaaalalahanan mga residente at dayo na iwasan ang pagtungo sa main crater ng bulkan, Daang Kastila at Mt. Tabaro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply