20 years for child abuse: Jan-Jan Suan, ama at tiyahin hihimas ng bakal

MARIING pinaninindigan ng abogado ni Willie, walang masama sa ginawang pagsasayaw ng bata.

It’s just a dance daw na hindi umano masasabing macho dance because there is no strip tease act.  Muli ay nilinaw rin nito that the said child was not forced to do something indecent.

Nakasaad din sa affidavit ng tiyahin na sinabi raw sa kanya ng bata na natakot ito kay Kapre (naitawag ng bata kay Bonel Balingit) kaya umiiyak habang nagsasayaw.  May ipinakita rin na video na kuha two years ago na sumasayaw din ng gano’n ang bata sa eskuwelahang pinapasukan nito.

Iba’t- iba ang reaksiyon ng press people na naroon sa presscon.  Meron tanggap ang paliwanag at mga pahayag nina Atty. de Vera at Jay Montelibano.

Nakakalungkot nga kasi na ang host ng show na si Willie nga ang nagpapasan nito ngayon at nagsa-suffer sa grabeng pambabatikos ng mga umaalma regarding this.

May balita pa ngang 20 years daw na pagkakakulong ang puwedeng maging parusa kay Willie sakaling mapatunayang dapat managot sa paratang na child abuse.  Gano’n pa man, ang paliwanag ng abogado ng TV host— ganito ang kaparusahan sa sinumang maku-convict for child abuse.  But based on their understanding daw about the law and the evidence that they have, hindi raw liable sa kasong ito si Willie because he did nothing wrong. Hindi kaya ang ama at tyahin ni Jan Jan ang dapat mananagot sa diumanong parusa na 20 years in jail for child abuse?

May mga kumukuwestiyon din sa father ng bata na aminadong isang bading— bakit daw sa dinami-dami ng klase ng sayaw ay mala-macho dancing pa ang hinayaan niyang iturong sayaw sa bata?  At bakit din umano nang unang pumutok ang balita ay tila ini-enjoy pa nito ang isyu sa kanyang anak?  Na para bang ang feeling nito— sikat na sikat na ang kanyang anak at magiging artista na gaya ng sinasabi nga nitong pangarap nila para sa bata.

May mga naiintriga talaga na hindi raw kaya may tagong motibo rin ang ama ng bata?  Kasi’y may kuwento rin ang isang movie reporter na naringgan umano niya ito no’ng bago i-call in ni Willie (nang pabalikin si Jan Jan at parents nito para linawin na walang pumilit kay Jan Jan sa pagsayaw na ginawa nito sa show) na ang sabi raw nito sa bata— humingi raw ito ng cellphone kay Willie (namimigay kasi ang show ng Cherry Mobile phones).

Ganyan?

Anyway, marami nang matitinding pagsubok na kinaharap si Willie na nalagpasan naman niyang lahat.  Pasasaan ba’t matatawid din niya ang bagong unos na ito sa kanya.  Sabi nga— you can’t put a good man down.  Also… you can put good show down.

‘Yon na! Ruben Marasigan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply