20,000 pabahay sa pulis, sundalo aprub na kay PNoy

IPINAHAYAG ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na maglalaan ang Aquino administration ng tumataginting na P4.2 bilyon para sa pabahay ng mga pulis at mga sundalo.

Nabatid na pinirmahan na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Administrative Order No. 9 nitong ika-11 ng Abril.

Naglalayon ang kautusan na magsagawa ng mga AFP/PNP Housing Project sa buong kapuluan.

“It is the policy of this administration to improve the welfare of government employees, including military and police personnel,” ayon sa Executive Secretary

“Providing decent and affordable shelter to soldiers and policemen is one way to carry out such policy, as we are aware that despite sincere efforts there are still a large number of military and police personnel whose need for housing provision must be urgently attended to,” dagdag pa ni Ochoa.

Magkakaroon ng pabahay ang sinumang miyembro ng dalawang organisasyon, subalit dapat pumasok sila sa criteria na ipapanukala ng National Housing Authority.

Nilinaw na ang naturang pabahay ay para sa maliliit ang sweldo at wala pang sariling bahay na mga kawani ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply