24 oras na serbisyo ng Meralco sa Semana Santa tuloy

INAASAHANG walang brownout at 24 oras na serbisyo ang ibibigay ng Manila Electric Company (Meralco) sa public consumer  ngayong  Mahal na Araw.

Sinabi ni Senior Vice President and Customer Retail Services and Corporate Communications head Alfredo S. Panlilio, mananatiling alerto ang lahat ng kanilang emergency crews at handang rumesponde sa anumang problemang posibleng maganap.

Naghanda na rin umano ang Meralco ng mga kaukulang measures sakaling kailanganin nilang rumesponde sa anumang hindi inaasahang power outage at interruption sa kanilang nasasakupan.

Sakali rin aniyang magkaroon ng emergency, maaari namang tumawag ang mga kostumer para maipaalam sa kanila ang problema sa kanilang 24-hour call center hotline sa telepono bilang 16211.

Pinayuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko na tiyakin ang “electrical safety” sa kani-kanilang mga tahanan upang makaiwas sa sunog at iba pang aberya ngayong Holy Week. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply