24 Pinoy seamen pinalaya na ng Somali pirates

PINALAYA na ng mga piratang Somali ang 24 Filipino seamen na binihag ng mga armadong grupo lulan ng MV Renuar habang naglalayag sa Indian Ocean noong Disyembre 11, 2010.

Sa ulat na ipinarating sa Malakanyang, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) na ang 24 seamen ay pinakawalan na ng mga pirata nitong Abril 23.

Ayon sa DFA, ang naturang barko na may bandera ng Panama at pag-aari ng Liberia ay binihag ng mga Somali pirates habang naglalayag sa Indian Ocean, sa layong 1,050 nautical miles sa silangan ng Somali o 550 nautical miles ang layo sa daungan sa bansang India.

Patungo sana ang MV Renuar sa Fujairah sa United Arab Emirates (UAE) mula sa Port Louis sa Mauritius nang atakihin ng mga armadong pirata sa gitna ng karagatan.

Si Armed Forces of the Philippines (AFP) Liaison Officer to the Combined Maritime Forces Captain Gaudencio Collado at ang ahensya na nag-recruit sa mga seaman ang nagpadala naman ng ulat sa DFA, na nasa maayos na kalusugan ang mga pinalayang 24 Pinoy seamen.

Idinagdag pa sa ulat na ang naturang barko ay kasalukuyan na rin na naglalayag patungong Fujairah habang isinasa-ayos na rin ang mga papeles para sa pag-uwi sa Pilipinas ng mga pinalayang bihag.

Base sa datos, mayroon pang natitirang 79 Pinoy seafarers ang kasalukuyang bihag ng mga piratang Somali mula sa siyam na barko na kontrolado ngayon ng mga bandido ng karagatan sa naturang rehiyon.

“The Philippine government has undertaken measures to minimize the exposure of Filipino seafarers to piracy attacks, including making arrangements with ship principals and manning agencies for vessels to travel along a safety corridor and to adopt best management practices as a deterrence to piracy attacks,” ani Collado.

“The Philippine government has likewise taken up the issue of maritime safety and security in the Gulf of Aden and in the Indian Ocean before the United Nations and other international organizations. The Philippines is a member of the intergovernmental Contact Group on Piracy off the Coast of Somalia (CGPCS),” dagdag pa nito.

Nitong nakalipas na taon, ay tumulong din si Collado sa pagpapalaya sa mga binihag na Pinoy seamen sa may Manama, Bahrain. Axel Sam

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply