24 na tripulanteng Pinoy pinalaya ng Somali pirates

PINALAYA na ng Somali pirates ang 24 na tripulanteng Filipino mula sa hinaydyak na barko.

Kinumpira ngayong Martes, Abril 26, ng Maryville Maritime Inc. sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalaya sa 24 na Pinoy mula sa kinukob ng Panama-flagged Renaur.

Ang Panama-flagged vessel ay hinaydyak ng mga pirata noong Dec. 11, 2010 mula sa 1,050 nautical miles sa Silangang bahagi ng Somalia, Indian Ocean. Ito ay naglalayag sa Fujirah, patungong United Arab Emirates mula sa Port Louis, Mauritius nang atakihin ng mga nasabing pirata.

Samantala, nabatid sa ulat ni Foreign Affairs spokesperson Eduardo Malaya, aabot pa sa  64 na Pinoy crewmen mula sa walong hinaydyak na barko ang nananatiling nasa kamay ng Somali pirates. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply