25 bibitaying Pinoy sa Qatar napalaya na

DAHIL sa sunod-sunod na bilateral discussion sa panig ng matataas na opisyal sa Qatar at Vice President Jejomar Binay, nabigyan ng amnesty ang 25 Pinoy na nakatakdang bitayin sana sa Qatar.

Ang magandang balita ay kasama sa mensahe ni Vice President Binay na dalawang araw na nanatili sa Riyadh, Saudi Arabia, para sa pakikipagnegosasyon sa 25 workers na nakapiit sa Qatari jail dahil sa iba’t ibang kaso.

“We are grateful to the government of Qatar for extending amnesty to our kababayans. This underscores the strong ties between the two countries which will be even stronger in the coming years,” pahayag ni Binayhe ang presidential adviser on OFW concerns.

Kaugnay nito, inatasan na ni Binay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ayusin ang mga kinakailangang dokumento para mapabilis ang pagbabalik ng Pinoy workers sa bansa.

“Kapag naayos na ang kanilang mga ticket sa eroplano, maaari  na silang makabalik sa bansa, “ani Binay.

Nabatid na ang pamahalaang Qatar ay tiniyak ang pagkuha ng mga trabahador mula sa bansang Pilipinas at inaasahang sa bansa kukuha ng trabahador para construction sa 2012 kaugnay sa paghahanda ng Qatar bilang host sa 2020 World Cup.

Nabatid na umaabot sa 2,000 Filipinos ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Qatar, at inaasahang magpapadala ng kinatawan ang Pilipinas sa susunod na buwan bilang miyembro ng technical working committee na mangangasiwa para sa recruitment at deployement ng mga trabahador.

Si Binay ay dumating sa Saudi Arabia nitong nakaraang Biyernes para sa kanyang apat na araw na pagbisita at para dalawin ang mga kababayan at opisyal ng Philippine Embassy para sa dayalogo sa iba’t ibang Filipino organization na nangangailangan ng matitirhan sa Bahay Kalinga na pinangangasiwaan ng Philippine Labor Office at OWWA.

Kabilang sa pagbisita ni Binay sa Saudi Arabia ang pagtalakay sa labor isyu sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply