$25 milyon ibibigay sa mga rebelde sa Libya

NAKATAKDANG magbigay ng $25 milyong dolyar sa mga rebelde ang bansang Amerika matapos imungkahi ni Secretary of State Hillary Rodham Clinton.

Ang naturang tulong ay naglalayong maprotektahan ang mga sibilyan sa Libya. Katumbas ng $25M na mga surplus american goods ang ibibigay ng US sa mga rebelde na pinamumunuan ng Transitional National Council na nakabase sa lungsod ng Benghazi.

“Our efforts to protect civilians and the civilian populated areas that are under threat of attack from their own government in Libya. It will be drawn down from items already in government stocks that correspond with the needs that we have heard from the Transitional National Council,” ayon kay Sec. Clinton.

Naabisuhan na umano ang kongreso ng amerika noong nakaraang linggo at ipinaliwag ito ng maigi ni Gene Cretz, ang US Ambassador to Libya.

Patuloy umano imomonitor ng amerika ang paggamit na nasabing tulong para magamit ito ng tama. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply