257,296 registered nurses jobless

IBINUNYAG ni Teresita Irigo-Barcelo, National President of the Philippine Nurses Association (PNA) na may 257,296 unemployed at underemployed registered nurses sa  bansa sa ginanap na   forum sa  Mababang  Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Barcelo na sa kasalukuyan ay  may ratio na isang nurse ang nagseserbisyo sa bawat 40 pasyente sa  mga ospital ng gobyerno.

Kabaliktaran sa ratio na isinasaad sa guidelines ng Licensure and Standards for Hospitals for Regulatory Officer  na dapat  isang  nurse ang ilalaan sa  bawat 12 pasyente.

Dahil dito, iginiit ng isang lady solon ang pagpasa ng panukalang  naglalayong  gawing  krimen ang  paniningil ng mga ospital  ng  training  fee  sa mga registered  nurses na nais magkaroon ng  working xperience.

Ayon  kay  Gabriela  Party-list  Rep. Luzviminda Ilagan, kinakailangang putulin na ang pananamantala ng mga ospital  sa  nurses  sa bansa.

Sinabi ni  Ilagan na  dito  lamang sa bansa  nangyayari  na pinagpapabayad  ang   nurses   na  gustong magkaroon ng  karanasan sa kanilang pinag-aralan sa kabila ng pagbibigay ng kanilang buong oras sa mga  pagamutan.

Iginiit ng  mambabatas  sa  ginanap  na  forum ng  Committee on Women and Gender Equality  sa  House of Representatives na  kumikita  ang mga  ospital mula  sa nagiging  serbisyo ng mga nurses  kaya hindi na  dapat silang pagbayarin ng training  fee.

Naniniwala  si  Ilagan na  sa  sandaling  makumpleto  ang  apat na taong  pag-aaral ng isang   registered  nurse  ng  Bachelor’s Course  in Nursing   ay may  kapasidad na silang magbigay ng serbisyong pangkalusugan   kaya hinidi na nangangailangan pa  ng   training.

Hiniling naman ni Rep. Emmi de Jesus (Party-list, Gabriela) kay Presidente Aquino ang agarang  pagpapatigil  sa pangongolekta  ng  training  fees  sa registered  nurses  para sa iba’t ibang uri ng  volunteer  training programs ng  mga hospital.

Ibinulgar ni De Jesus na nagbabayad ng P3,000  hanggang  P8,000 ang mga nurse sa napiling ospital na nais pagtrabahuan sa loob ng tatlo hanggang limang  buwang  serbisyo  kapalit ng  certification of  working experience.

Isasaad sa panukala ang pagpataw ng  multang  P500,000 at pagkakulong ng humigit kumulang  sa isang taon sa mga pagamutang maniningil ng training fee. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply