27 Thai hostages pinalaya na ng Somali pirates

PINALAYA na ang dalampu’t pitong tripulanteng Thai national makaraang kubkubin ng mga piratang Somali ang sinasakyan nilang barko.

Sa ulat na tinanggap mula sa Bangkok, ang 27 Thia crew ng MV Thor Nexux, ay lumapag sa Thailand international Subarnabhumi Airpot nitong Huwebes, April 21, sakay ng Qatar Airways.

Ang mga tripulate ay ikinulong ng may apat na buwan nang agawin ng kanilang barko ng mga bandidong pirata.

Ang MV Thor Nexus ay naglalayag sa karagatan ng Bangladesh patungong United Arab Emirate nang kubkubin ng mga pirata noong Disyembre 23, 2010.

Ang pagpapalaya sa mga tripulante ay inako ng kanilang kompanya na may ari ng kargamento.

Ang Thailand ay nagpadala ng navy ship para makipagkaisa sa international effort laban sa Somalia pairacy sa Gulf of Aden.

Sa pagsusumikap ng Thai Navy sa kanilang misyon laban sa Somalia piracy, bumalik ito noong Enero at hindi nabawi ang mga 27 Thai crew at nanatiling hostage ang cargo ship na inagaw ng Somali pirates.

Hindi pa batid kung nagbigay ng ransom money ang kompanya para sa pagpapalaya sa mga Thai crew. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply