Anak ng kinakasama kinatay ng seloso

SA pag-aakalang may iba na namang lalaki ang kanyang kinakasama ay nagwala ang isang lalaki at binihag ang tatlong taong gulang na babaeng anak ng kanyang kinakasama na nauwi sa pamamaslang sa Davao City.

Sa report na nakarating sa camp Crame mula Davao del Sur PNP, bandang 10:00 ng gabi nitong Lunes nang magtalo ang mag-live na sina Jovito Briones at Cheryl Castro sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Lanuro, Hagonoy.

Nabatid na nag-ugat ang away ng dalawa sa hinala ng suspek na may iba na namang karelasyon ang kinakasama.

Sa kainitan ng away ay sinunggaban ng suspek ang anak ng ka-live-in at binantaang papatayin.

Dito na tumawag ng mga pulis ang kanilang mga kapitbahay subalit sa likod ng pakiusap nina Arobo na huwag saktan ang kanyang bihag ay hinambalos pa rin niya ito ng matigas na bagay, ikinamatay ng bata.

Nasugatan din si  Castro sa naganap na halos isang oras na karahasan.

Nakapiit na sa Davao PPO ang suspek habang inihahanda ang kasong pagpatay sa anak ni Castro. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply