3 holdaper natiklo ng MPD-DID

TATLONG holdaper ang naaresto habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Manila Police District-District Intelligence Division (MPD-DID) sa Quaipo, Maynila Martes ng madaling araw, Abril 19.

Hawak ngayon  ng MPD-DID ang mga naarestong suspek na sina Joy Bolante,27, Jayson Abria,18, at Rodolfo Castro, 31, na pawang residente ng 383 Hiladlgo st., Quiapo, Maynila.

Sa report na isinumite kay MPD-DID P/Chief Insp. Joie Pacito Paye Yape, dakong alas 12:50 ng madaling ng maganap ang panghoholdap ng mga suspek sa may Quezon Blvd sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa mga  biktima na sina  Arnold Garcia, 26, at Rhonan Sangco, 21, sakay sila ng isang di naplakahang pampasaherong jeepney na may biyaheng Blumentritt via Quiapo nang magdeklara ng holdap ang mga suspek.

Mabilis na kinuha ng mga suspek ang mga bag at mahahalagang gamit ng mga biktima at pagsapit umano sa ilalim ng Quezon Blvd. ay saka bumaba ang mga ito at nagtatakbo sa underpass.

Naghinala naman ang mga tauhan ni Yape na nuoy nagsasagawa ng pagpaptrolya kaya agad nilang sinita ang mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Naibalik naman ang bag at mahahalagang gamit ng mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply