3 pang bangkay narekober sa gumuhong minahan

TATLO pang bangkay ng minero ang nakuha mula sa ilalilm ng gumuhong minahan sa Barangay Kingking, sa Pantukan, Compostela Valley kaya umakyat na sa 13 ang bilang ng mga biktima habang 11 pa ang nawawala.

Dakong alas 3:30 Martes ng hapon, Abril 26, nang makuha ang mga bangkay habang ang mga rescuers ay paalis na sana sa lugar dahil sinuspinde na ni Pantukan Mayor Celso Sarenas ang rescue operation, ayon kay  Major Jacob Obligado, Commander ng Civil Military Operation.

Ang suspensyon ng search and retrieval operations ay ikinasa para siguruhin ang kaligtasan ng mga rescuers at dahil na rin sa masamang kondisyon ng lugar.

“We are hoping that the condition of the weather and the soil will be stabilized so we can resume as soon as possible the retrieval operation that we are conducting,” pahayag ni Obligado.

Binigyan na rin ng gobyerno ng hanggang alas-5:00 Lunes ng hapon na boluntaryong lisanin ng mga residente ang kanilang kabahayan. Pero ayon sa mga opisyal, kung ayaw ng mga residente na lumikas matapos ang deadline ay ikakasa ang forced evacuation. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply