3 pang Pinoy bibitayin sa China

NAKAHANAY ang tatlo pang Pinoy ang bibitayin makaraang mapatawan ng death conviction ng Supreme People’s Court ng bansang China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroon pang nakalinyang tatlo na kababayan na nakatakdang bitayin kasunod ng report na mayroon pang mahigit 70 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakahanay sa death row ng bansang China.

Sa report ng DFA, sa anim na OFWs na nahaharap sa death conviction, tatlo na ang pinatawan ng bitay at ito ay sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Kaugnay nito, dalawa naman sa nahatulan ay nabigyan ng dalawang taong pagpapaliban sa pagbitay o palugit habang ang isa ay naka-pending ang kaso nito sa korte ng China. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply