3 patay, 18 sugatan sa road mishap

TATLONG katao ang patay habang 18 iba pa ang malubhang nasugatan sa pag-iwas ng isang pampasaherong sasakyan na sumalpok sa kasalubong na  tricycle Biyernes ng gabi, Abril 1, sa Barangay Bolong Oeste, Santa Barbara, Iloilo.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, isang pamilya na nagmula pa sa Mindoro ang lulan ng pampasaherong van patungong  Maasin Iloilo nang aksidenteng mababanga sana nito ang  nakasalubong na tricycle.

Sa salayasay ng  driver na kinialalang si  Dan Dueño, iniwasan nito na masagasaan ang sinusundang bisikleta ngunit may nakasalubong ito na tricycle na kanya namang sinubukan na iwasan subalit naging dahilan ito upang mawalan ng kontrol sa manibela at tumagilid ang kanyang minamaneho.

Sinabi ng isa sa mga nakakita sa insidente, ilan sa biktima ay wasak ang ulo at mayroon ding putol na ang bahagi ng katawan.

Ang dalawang dead-on-the spot ay dinala sa Western Visayas Sanitarium sa Santa Barbara, Iloilo, samantalang ang ilan sa mga sugatan ay dinala sa Western Visayas Medical Center at Iloilo Doctor’s Hospital.

Isa sa mga nakumpirmang patay ay nurse ngunit hindi pa ngayon matiyak ang pagkakakilanlan.

Dinala naman sa magkahiwalay na ospital ang ilang miyembro ng pamilya Montefrio.  Naka-detain na sa Santa Barbara Municipal Police Station ang driver ng sasakyan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply