3 sekyu sa LTO sinibak

SINIBAK sa puwesto ni Land Transportation Office (LTO) OIC Raquel Desiderio ang tatlong supervisor ng guard ng ahensiya matapos na magkaroon ng nakawan sa loob ng compound nitong Linggo, Abril 24.

Ang mga na-relieve sa puwesto ay sina Gerardo Santos, Cristituto Mallacad at Jovyc Noble ng Urduja Security Agency na pawang naka-assign noong panahon na naganap ang pagpasok ng mga ‘di pa kilalang suspek sa loob ng Property Division ng LTO na ikinawala ng iba’t-ibang piraso ng motorcycle stickers, dalawang protocol 8 plates at ₱135,000 na sinasabing kinita sa bayad sa special at protocol plates.

Sa isang press conference, sinabi ni Desiderio na hinihintay na lamang nila ang final report ng PNP SOCO sa insidente upang matukoy talaga kung sino ang nasa likod ng naturang nakawan.

“Sa ngayon hindi ko pa masabi na inside job talaga ang nangyari dahil hinihintay pa rin namin ang final report ng mga pulis na nagsagawa ng imbestigation tungkol dito,” pahayag ni Desiderio.

Noong Lunes nang umaga, Abril 25 ay nagulat ang mga pumasok na janitor ng property division dahil nagkalat ang mga papeles dito at nakababa ang isa sa aircon doon na siya umanong dinaanan ng mga magnanakaw.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply