3 sunog na bangkay nakita sa Batangas, Quezon

BLANKO pa rin ang pulisya sa pagkakilanlan ng tatlong sunog na bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution, makaraang matagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Batangas at Quezon nitong linggo, iniulat Abril 10.

Batay sa report na nakarating sa Camp Crame Quezon City, unang natagpuan ang bangkay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa hangganan ng Sitio 3, Barangay Balete at Barangay Mahabang Parang sa Batangas.

Ayon kay P/Sr Supt Alberto Supapo, Batangas police director, nakita nila ang dalawang bangkay at sa hindi kalayuan sa mga biktima ay napulot nila dalawang empty shells ng caliber 45 pistol sa crime scene.

Samantala, sa madamong lugar naman sa  Barangay Pury, San Antonio, Quezon ay natagpuan ang isa pang sunog na bangkay ng lalaki.

Hindi pa mabatid ng mga pulis kung ano ang motibo sa papamaslang. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply